Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Peterson

Tapat na Pag-ibig

Tuwing umaga, bago ako pumasok sa eskuwelahan, sinasabi sa akin ng aking ama, “Mahal kita, anak.” Minsan, parang nabalewala ko ang pagsabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi naman ako galit, nagkataon lang na may iba akong iniisip noon. Gayon pa man, hindi nagbabago ang pagmamahal sa akin ng tatay ko.

Ganoon din ang pag-ibig ng Dios at higit…

Matibay Na Pundasyon

Nagpasyal kami minsan ng asawa ko sa isang bahay na tinatawag na Fallingwater sa may Pennsylvania. Ang arkitektong si Frank Lloyd Wright ang nagdisenyo nito noong 1935. Wala pa akong nakikitang katulad ng bahay na ito na nakatayo sa isang talon. Sabi sa amin, kahit nasa kalagitnaan ito ng talon, masasabing matibay at ligtas ang bahay dahil malalaking bato ang nagsisilbing…

Mabuting Pastol

Nag-alaga ng tupa ang kaibigan kong si Chad sa loob ng isang taon. Sinabi niya sa akin na mangmang ang mga tupa dahil kinakain lang ng mga ito ang damo na nasa tapat nila. Kapag naubos na nila ang damo sa harap nila, kakainin na lang nila ang dumi sa halip na lumipat ng ibang puwesto.

Natawa kami sa sinabi niya.…

Buong Tapang

May dalawang lalaking nakulong dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Nahatulan sila ng bitay. Habang nasa bilangguan, nalaman nila ang tungkol sa pag-ibig ng Panginoong Jesus at nagtiwala sila sa Kanya. Binago sila ng Dios simula noon. Nang bibitayin na sila, nanalangin sila at umawit. Dahil sa kanilang pananampalataya sa Dios, at sa tulong ng Banal na Espiritu, buong tapang…

Mabangong Handog

Napagod si Bob sa biyahe papunta sa isang malayong lugar para bisitahin ang mga bago niyang kaibigan. Sa kabila nito, naging masaya siya sa malugod nilang pagtanggap. Pinaramdam nila kay Bob na mahalaga siya at parang nasa sarili niyang tahanan kung saan payapa, komportable at ligtas siya.

Habang iniisip niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya kahit bago lang siya sa…

Paghihinagpis at Pag-asa

Ang Cliffton Heritage National Park sa Nassau, Bahamas ay nagpapaalala ng malungkot na pangyayari sa kasaysayan. Marami ang pinahirapan at minaltrato noon sa lugar na iyon bilang mga alipin. May hagdan doon na dinaanan ng mga aliping iyon. Makikita naman sa tuktok ng park ang mga inukit na imahe o estatwa ng mga babaeng nakaharap sa dagat na may marka ng…

Pagtanggap

Hindi namin alam ng asawa ko kung saan kami titira at magtatrabaho nang lumipat kami ng bagong tirahan. Isang simbahan ang tumulong sa amin para makahanap ng lugar. Isang paupahang bahay na may maraming kwarto ang aming nalipatan. Maari kaming tumira sa isang kwarto at maari naming ipagamit ang ibang mga silid sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa.

Sa loob…

Halimbawa ng pagmamahal

Isang buwang wala ang aking asawa kaya naiwan sa akin ang lahat ng gawain sa bahay at ang pag-aalaga sa mga bata. Hindi ko alam kung paano pagsasabayin ang gawaing bahay at paghahabol ko ng deadline sa aking isinusulat. Dumadagdag pa sa problema ang pagkasira ng panggapas ng damo.

Mabuti na lang at pinuntahan ako sa bahay ng mga kaibigan ko…

Mapagmahal

"Kung ang Dios ay walang simula, walang katapusan at pang walang hanggan, ano ang ginagawa Niya bago tayo nilikha?” Iyan ang laging tinatanong sa akin ng isang bata sa Sunday School kapag pinaguusapan namin ang walang hanggang katangian ng Dios. Noon, ang tanging naisasagot ko lamang sa kanya ay may misteryo patungkol dito. Ngunit sa pagsasaliksik ko ng Biblia, natagpuan ko…